Sunday, July 5, 2009

GMANews.TV - Enrile 'di kuntento sa NTC memo vs problema sa ‘bawas load’ - Pinoy Abroad - Official Website of GMA News a

GMANews.TV - Enrile 'di kuntento sa NTC memo vs problema sa ‘bawas load’ - Pinoy Abroad - Official Website of GMA News and Public Affairs - Latest Philippine News

Hindi nakuntento si Senate President Juan Ponce Enrile sa ipinalabas na memorandum circular ng National Telecommunications Commission (NTC) sa pagpapalawig ng expiry date ng cellular phone load credits.

Dahil dito, ayon kay Enrile, ipagpapatuloy pa ng Senate committee on trade and commerce, sa pamumuno ni Sen. Manuel Roxas II, ang imbestigasyon sa problema sa “bawas load" upang makalikha ng batas laban dito.

Itutuloy ang pag-uungkat sa iba pang mga problema ng industriya partikular ang umanoy pagsasamantala ng telecommunication companies - kabilang na dito ang content providers na nag-aalok ng promosyon na kumakain ng load credits ng subscribers.

“Hindi lamang ang pagkawala ng load ang iniimbestigahan ng Senado dahil mayroon pang mas malalaki at malawak na problemang nakikita ang komite hinggil sa industriya," giit ni Enrile.

Ayon pa sa kanya, bagama’t magandang simula ang ginawa ng NTC, kailangan pa rin umanong amyendahan ang batas upang pumabor ito sa subscribers.

“Gumagawa ngayon ng panukalang batas ang Senado upang kapag natapos ang pagdinig hinggil sa nawawalang load, makapaghahain ng amendatory law upang tugunan ang lahat ng problemang kinahaharap ng cellphone users," dadag pa nito.

Napag-alaman ng Senado na inamin ng ilang telecommunication companies na hindi kaagad-agad maipatutupad ang memorandum order ng NTC dahil pag-aaralan pa umano nila ito.

Matatandaan na mismong si Enrile ay nakaranas ng pagka-ubos ng kanyang load kahit hindi naman niya ginagamit – gaya rin ng naranasan ng ilang mga subscriber. Ang isang itinuturong dahilan ay ang expiration date ng load credits. - Ernie Reyes, GMANews.TV

Source : http://www.gmanews.tv/story/166663/Enrile-di-kuntento-sa-NTC-memo-vs-problema-sa-bawas-load

Shared via AddThis

No comments:

Post a Comment